Abaddon - Isang Buhay — Abaddon , Isang Buhay , Isang Buhay Lyrics , Lyrics and Music Video , Music Video , Newest OPM Song , Newest OPM Songs , OPM , OPM Lyrics , OPM Music , OPM Song 2013 , OPM Songs , Song Lyrics , Video — Latest OPM Songs

Abaddon - Isang Buhay

The Hottest and newest popular song today  " Isang Buhay" by Abaddon is now available here at Latest OPM Songs where you can find Latest OPM lyrics and Music Videos.

The genres of Abaddon songs are the following :  POP and OPM.

Enjoy the lyrics of the song  Isang Buhay by Abaddon is still not available at this moment.
 Isang Buhay, Isang Buhay Lyrics, Abaddon, Lyrics and Music Video, Music Video, Newest OPM Song, Newest OPM Songs, OPM, OPM Lyrics, OPM Music, OPM Song 2013, OPM Songs, Song Lyrics, Video

Lyrics of Isang Buhay by Abaddon

Sa bawat buhay ng tao'y merong pag ibig na nakahimlay
At ang tanging dapat mo lang gawin sa akin sumabay,
Halika na't gisingin natin ang tulog mo'ng diwa
Ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa,
Sa pag kakataong ito hari aking opinyon
Layunin ko'y mag kaisa lahat ng relihiyon,
Bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin
Bawat tao ay may buhay na pwede ring tubusin,
Nang Diyos, ano mang oras handa man o hindi
Madadaig mo ba si Kristo sa kanyang pagtitimpi?,
Habang pasan ang Krus at ipinakong walang laban
Mahal ka ng Diyos hindi mo lang to nalalaman,
Minsan sa ating buhay merong suliranin
At hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin,
Basta't mahalaga merong isang pag ibig
Umaasang may gabay na nandiyan lang sating paligid,
Dahil tayo'y may

Chorus:
Sang buhay na may pag ibig
Yan ang kaylangan ko,
Kaylangan mo, at nang buong mundo

2nd verse:
Ako'y nabuhay sa mundong hindi inabot ang ama
At inasa ang lahat saking nag iisang ina,
Ang mayakap siya't pasalamatan gusto ko pa sana
Nang hindi hinahangad saki'y nakalaang pamana,
Ngunit ako ay naligaw kayhaba na ng sungay
Sa tuwing kakausapin niya ko mata ko'y mapungay,
Pinili kong daan iba sa karaniwang bata
Impyernong itinuring, nas matindi pa ata,
Ang mapayapa at pangakong paraiso
Ay di mo makakamtan kung nasa bulsa mo ay piso,
Limutin na lang ano man ang maibigan
Kung wala kang pera walang tapat na kaibigan,
Masaklap man ang inabot ko katulad ba sayo
Istorya ko't maging sayo'y hindi naman nagkalayo,
Siguro nga pareho lang tayo ng naranasan
Tuloy parin ang luha ilang beses mang punasan,
Dahil meron kang

(Repeat chorus:)

3rd verse:
Dumalaw sa mga kaybigan para matulungan
Sila na maibsan ang kalungkutan sa kulungan,
Yan ang aking gawain dati kung alam niyo
Sa piling ng mga kasama kong nakabilanggo,
Sa mga kasama kong nasa laya na may atraso
Lihim na kung mamuhay at binilang na retaso,
At isang pilas ng papel na nilamukos
Kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos,
At bakit ganun pag sinabing Muslim ay matapang
Pag sinabing taga Capiz mangkukulam mambabarang,
Pag sinabing Waray walang awa kung pumatay
At pag sinabing pilipino alipin habang buhay,
Ako ay pilipino isa rin sa kinakapos
Tanong ko lang sino ba yung tinatawag nilang Diyos,
Siya ba yung nakasama mo sa madilim na eskinita
At inakay ka sa may liwanag kahit di mo siya nakita

(Repeat chorus)

Feel free to watch the official music video of the song Isang Buhay by Abaddon.
Isang buhay (From the album "Katibayan") Artist: Abaddon Instrumental by Eman Da Great Lyricist & Arranger: Venzon Malubay Recorded at "Planta Musika" This Music Produced Under "Thugszilla Production" Director & Colorist: Venzon Malubay Crew: Mark Anthony Beltran & Allen Prim This Music Video Produced under "Artcraft Visual Presentation"
Share this article :

Follow us


Let's Support OPM Songs!
Latest OPM Songs is simply providing OPM Songs, OPM Lyrics and OPM Videos for easy access to all searchers of Original Pinoy Music here in the World Wide Web. Let's support OPM by purchasing their albums! We would like to inform you that our page doesn't not support piracy or intellectual property infringement.

Advertisement
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2013. Latest OPM Songs - All Rights Reserved
Template Edited by Tambayan Replay Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger