Abra - Gayuma — Abra , Latest OPM Songs , Lyrics , Lyrics and Music Video , Music Video , OPM , OPM Songs , Song Lyrics , Video — Latest OPM Songs

Abra - Gayuma

The Lyrics, melody and concept is all arranged by Abra of LDP. It was lyrically deranged poets music produced by BoJam of the FlipMusic.

Feel free to enjoy the lyrics of Gayuma below.


Gayuma by Abra

Harana para sa dalaga
Na kundi dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana
Dalaga na balak makasama
Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan yung kampana
Makasama ka na para bang tadhana
At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka
Ang tadhana sadyang kahanga-hanga
Ibang mga babae sa mundo kinalimutan na para
Masabi lang sayo na tapos na panggiginaw
Ng puso kong naghihikaos pagkat naliligaw
Ngayon paos na paos na sa kasisigaw
Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw
Ngunit bakit parang maraming nakatitig satin
At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin
Mahal kita kahit may pagka-alanganin
Pagkat sabi mas mukha ka pang lalaki kesa sakin

Hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wala nang iba)

Ngunit hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko

Ang buhay parang dagat, na kung saan lahat tayo nagtipon
Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon
Hindi ka lang maganda pag-hindi nakatalikod
Parang ipot ka ng ibon magpakipot
Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit
Nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit
Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit
Sakin maskaakit-akit ka pa pagnatuto kang mag-ahit
Hindi ka manatiling ikaw lang ang kapiling ko
Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko
Para kang Rebisco ang sarap ng filling mo
Ikaw ang namimiss ko mismo
At kung kasama ka, parang naglakad ng aso, kaso di eh
Paggalit si Son Goku parang kamukha mo beh
Pero ika’y bituin kapag sa langit nakadungaw
Kahit parang in-between ka ng babae at bakulaw

Hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wala nang iba)

Ngunit hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko

Isang araw dumalaw, sakin ang aking dating kasintahan
Ang sabi nya “Uy! Meron akong nabalitaan”
Nang ikwento nya ako ay napaisip
Sabay napatahimik nang sinabing “Hindi yan tunay na pag-ibig!”
Ilang araw hinanap bago makita ang sagot
Kung tama ang hinala, ito’y mabisa na gamot
At nang aking inumin saka ko lang naunawaan
Gayuma nga! Langhiya! Ako’y naloko lamang!
Nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi
Ngayon ay pili ko na kung sinong kupal sa hindi
Ito ay pelikula na binuo patabinge
Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisnge!
Alam mo? Mukha kang tuhod na may sugat, na may bukol, na may nana!
Ikaw ang dahilan tong ba’t nasulat ‘tong harana
Para sa dalaga na kung di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala 

Hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip (Badtrip)
Ka-date kita hanggang sa panaginip (Ang pangit mo talaga)
Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wa… ah… teka.. teka.. teka.. teka..)

Ngunit hindi ko maipaliwanag (Pero ngayon ay maliwanag na lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Di ako makapaniwala sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip (Alam mo)
Ka-date kita hanggang sa panaginip (Hay nako...)
Kasi ikaw ang iniibig ko  

Syempre yan ay dahil sa gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA

Checkout the Music Video of the song Gayuma by Abra.


Executive Producer: Artifice Records
Directed by: Abra, Cristhian Escolano & Jasper Salimbangon
Creative Director: Raymond "Abra" Abracosa
Director of Photography: Cristhian Escolano
Editor & Colorist: Jasper Salimbangon
Cinematographers: Cristhian Escolano & Mark Ginolos
Lightsman & Assistant: Raul Pacat
Production Designer: Bea Valera 
Share this article :

Follow us


Let's Support OPM Songs!
Latest OPM Songs is simply providing OPM Songs, OPM Lyrics and OPM Videos for easy access to all searchers of Original Pinoy Music here in the World Wide Web. Let's support OPM by purchasing their albums! We would like to inform you that our page doesn't not support piracy or intellectual property infringement.

Advertisement
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2013. Latest OPM Songs - All Rights Reserved
Template Edited by Tambayan Replay Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger