Feel free to enjoy the lyrics of Bakit Hindi below.
Lyrics of Bakit Hindi by Gloc 9
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
Pagbutihan mo ng maigi
Kamustahin kung may imposible..
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
[Gloc 9]
Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang
Sa'yong daraanang hagdanang
Mataas, madulas kahit na matumba
Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan
Bawat hakbang, tawirin mo man dagat,
Sabayan hanging habagat
Baga't apoy
Bawat patak ng dugo'y
Di mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy
Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa
Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa
Walang trabaho, mawalang makain, bubungan na tinangay ng hangin
Humahaba na ang listahan sa tindahan ng saging
Lima ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol
Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol
Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan
Kapag hindi ka na bumangon ay dun ka pa lang magiging talunan
Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha
Kung hindi ka susuko, hinding hindi ka huhupa
[Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
Pagbutihan mo ng maigi
Kamustahin kung may imposible..
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
[Gloc 9]
Bakit? Bakit gumigising?
Bakit? Bakit dumidilat? (dilat)
Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat (buhat)
Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat
Handa nang sumagupa sa lahat ganon kakunat
Ang balat, namalat sa lakas ng sigaw
Iangat, kumagat, lunukin ng hilaw
Higpitan mo lang ang hawak wag na wag kang bibitaw
Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw
Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan
Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan
Kahit tuyo na ang halaman sadtyagain mong diligan
Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Binan
Lahat ng yong naaabot ay pilitin mong higitan
Patalimin ang patalim at maghanda kang gilitan
Kung hindi mo nagawa, wag mo na muling tignan
Marami pang pagkakataon ang nasa yong harapan
[Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre (sa libre)
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili (yan ang sabihin)
Pagbutihan mo ng maigi ( pagbutihan pa)
Kamustahin kung may imposible.. (oh-oh-oh)
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili (Yan ang sabihin sa sarili )
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
(Yan ang sabihin sa sarili)
Checkout the Official Music Video of the song Lyrics of Bakit Hindi by Gloc 9.
"I have worked very hard for this album," says Gloc-9. "Before, I would record albums for about two months. For MKNM: Mga Kwento Ng Makata, it took me around six months."
He adds that he is ultimately satisfied with the album, which includes collaborations with some of the biggest names in the industry -- Chito Miranda, Bamboo, Ebe Dancel, Jay Durias, Billy Crawford, Maychelle Baay of Moonstar 88, among others.
"I have always been fond of stories of other people," adds the rapper. "This album contains various stories from people from all walks of life."
Gloc-9 admits being super proud of the album's single "Sirena," which talks about the story of a responsible gay man. The song also features Ebe Dancel.
"I think this is the first time that a song about a gay man is presented in a first person's point of view," explains Gloc-9. "I worked very hard on this song for it not to be offending to anyone."
The music video of "Sirena" also boasts of Boy Abunda's participation.
The rapper also adds that "MKNM: Mga Kwento Ng Makata" marks a new chapter in his career as this is his first release under Universal Records, where he joins its elite roster of artists like Jose Mari Chan, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Parokya Ni Edgar, Christian Bautista, Kamikazee, Sponge Cola, Callalily, Sam Concepcion, among others.
"I am very thankful that Universal welcomed me into their stable," concludes Gloc-9. "I am looking forward to doing more projects with my new label."